PeninsulaWorks Logo
PeninsulaWorks
Job Seeker Services | Employer Services | Locations | Workshops
Services by Partners | Home

Español | Tagalog

Blue line


Ang PeninsulaWorks ay isang pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga samahang pang-komyunidad sa San Mateo County, California na nagkakaloob ng libreng impormasyon at serbisyong panghanapbuhay. May serbisyo sa Tagalog sa aming Daly City at Menlo Park centers tuwing umaga upang tulungan ang mga naghahanap ng trabaho, gayon din ang mga naghahanap ng mga manggagawa. I-klik on lamang ang Daly City o Menlo Park.

Mga naghahanap ng trabaho
Kailangan ba ninyo ng bagong hanapbuhay o impormasyon higgil sa pagsasanay o serbisyo upang makamit ang inyong minimithing trabaho? Bumisita lamang sa alin mang PeninsulaWorks centers sa buong San Mateo County para sa aktuwal na aktibidad. Maaari ring masagot ng aming staff ang inyong mga katanungan upang kayo ay aming mapaglingkuran. Kailangan lamang ninyong dalhin ang orihinal na Social Security card at state-issued lisensya o sedula o anumang identification card: Resident Alien card; Pambansang pasaporte; o iba pang partikular dokumento.

Ang mga serbisyong makukuha mula sa karamihan sa aming mga centers ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Tulong sa paghahanap ng trabaho; listahan ng mga trabaho, telepono, computers na may internet access, printers, serbisyo para sa fax , copy machines, pagsasanay o seminaryo, dyaryo, o mga pahayag.
  • Telepono para makaaplay ng unemployment insurance.
  • Impormasyon sa sahod, pagsasanay, mga ahensya sa komyunidad, at mga isyung may kaugnayan sa pagtatrabaho.
  • Serbisyo sa iba't iba pang ahensya kung kakailanganin.

Mga Kumpanya
Kailangan ba ninyo ng tulong upang makahanap ng mga angkop o tamanga empleyado, mapababa ang gastusin sa pagsasanay, mabawasan ang turnover rates at maging higit na epektibo ang inyong kumpanya? Magtanong lamang sa Daly City or Menlo Park PeninsulaWorks center para sa:

  • Pagrerekrut sa pagtulong at pagkuha ng kredito para sa buwis
  • Pagsasanay sa mga empleyado, at mapanatili
  • Impormasyon sa sahod at iba pang hanapbuhay o trabaho.


Job Seeker Services | Employer Services | Locations | Workshops
Services by Partners | Home

Español | Tagalog

Site maintained by San Mateo Adult and Community Education, a partner of PeninsulaWorks.